Pagsisimula
Ang WordPress Theme Directory ay ginagamit ng milyun-milyong user ng WordPress sa buong mundo. Ang mga tema sa direktoryo ay available para i-download mula sa WordPress.org, at ang mga user ng WordPress ay maaari ding i-install ang mga ito nang direkta mula sa kanilang mga administration screen.
Sa pag-host ng iyong tema sa WordPress.org, makukuha mo ang mga sumusunod:
- Mga istatiska kung gaano karaming beses na-download ang iyong theme
- Ang user feedback ay nasa mga forum
- Mga rating, para makita kung ano ang tingin ng mga user sa iyong theme
Ang layunin ng Direktoryo ng Tema ay hindi upang mag-host ng bawat tema sa mundo, kundi upang mag-host ng pinakamahusay na open source WordPress tema sa paligid. Ang mga themes na naka-host sa WordPress.org ay nagbibigay ng parehong kalayaan sa user tulad ng WordPress mismo; nangangahulugan ito na sila ay 100% GPL o compatible.
Mga Alituntunin & Mapagkukunan
Para masiguro na maganda ang karanasan ng mga gumagamit ng WordPress, sinusuri ng Themes team ang bawat tema sa direktoryo. Mas malaki ang tsansang maaprubahan ang iyong tema kung ikaw ay:
- Basahin ang mga alituntunin sa pagsusuri ng tema at sundin ang mga kinakailangan sa pagsumite.
- Subukan ang iyong tema gamit ang data ng Tema Unit Test bago mo i-upload at isumite.
Para sa higit pang mapagkukunan sa paggawa ng tema, tingnan ang Manwal ng Developer ng Tema. Para sa mga partikular na katanungan, gamitin ang forum ng Mga Tema at Template.