Impormasyon para sa developer

Mayroon kang cool na bagong plugin at umaasa kang mabibigyan ito ng exposure. Nasa tamang lugar ka. Hilingin mo lang na i-host namin ito para sa iyo. Magagawa mong:

  • Subaybayan kung gaano karaming tao ang nag-download nito.
  • Hayaan ang mga tao na mag-iwan ng komento tungkol sa iyong plugin.
  • I-rate ang iyong plugin laban sa lahat ng iba pang cool na WordPress plugin.
  • Bigyan ng maraming exposure ang iyong plugin sa sentralisadong repository na ito.

May ilang restriksyon

  • Ang iyong plugin ay dapat compatible sa GNU General Public License v2, o anumang mas bagong bersyon. Lubos naming inirerekomenda ang paggamit ng parehong lisensya tulad ng WordPress — “GPLv2 o mas bago.”
  • Hindi dapat gumawa ang plugin ng anumang ilegal o maging morally offensive (subjective 'yan, alam namin).
  • Kailangan mong gamitin ang Subversion repository na ibinigay namin sa iyo para lumabas ang iyong plugin sa site na ito. Ang WordPress Plugin Directory ay isang hosting site, hindi isang listing site.
  • Hindi dapat mag-embed ang plugin ng mga external na link sa pampublikong site (tulad ng “powered by” na link) nang hindi tahasang humihingi ng pahintulot sa user.
  • Kailangang sumunod ang plugin mo sa aming listahan ng mga detalyadong patakaran, kabilang na ang hindi pag-spam at hindi pag-abuso sa system.

Simple lang ang pag-submit

  1. Mag-sign up para sa isang account sa WordPress.org.
  2. Isumite ang iyong plugin para sa review.
  3. Pagkatapos na mano-manong suriin ang iyong plugin, ito ay aaprubahan o padadalhan ka ng email at hihingian ka ng karagdagang impormasyon at/o hihilingang magkaroon ng mga pagwawasto.
  4. Kapag naaprubahan na, bibigyan ka ng access sa isang Subversion Repository kung saan mo ise-save ang plugin mo.
  5. Pagka-upload mo ng plugin (kasama ang readme file!) sa repository, awtomatiko itong lalabas sa plugins browser.
  6. Tingnan ang FAQ para sa karagdagang impormasyon.

Mga Readme File

Para maging mas kapaki-pakinabang ang entry mo sa plugin browser, dapat may readme file ang bawat plugin na pinangalanang readme.txt na sumusunod sa WordPress plugin readme file standard. Puwede mong ipasuri ang readme file mo sa readme validator para ma-check ito.