Installation

Kilala ang WordPress na puwedeng ma-i-install at magamit sa loob lamang ng 5 minuto! Tignan kung paano:

  1. I-download at i-unzip ang WordPress.
  2. Gumawa ng database para sa WordPress mula sa inyong web server, mangyari lamang na ang user ng MySQL ay “all privileges”.
  3. Palitan ang pangalan ng wp-config-sample.php sa wp-config.php
  4. Buksan ang wp-config.php sa iyong paboritong editor. Punan lahat ng impormasyon tungkol sa iyong database at wikang gagamitin ng blog kung kinakailangan.
  5. Ilagay ang mga WordPress files sa kagustuhang lokasyon sa iyong web server.
  6. Kung gusto mong ilagay ang WordPress sa root ng iyong domain, ilipat o i-upload ang mga WordPress files sa root directory ng iyong web server.
  7. (Opsyonal) Kapag na nadownload ay English version ng WordPress, kailangan maikopya mo ang translation files na tl.mo at continents-cities-tl.mo (sumasabay dapat ito sa bersyon ng WordPress mo) sa sub-folder wp-content/languages. Maaring kailanganin na gawin pa ang folder na ito pag wla pa ito. I-edit ang wp-config.php file at isingit ang define (‘WPLANG’, ‘tl’).
  8. Simulan ang pag-install ng WordPress sa pamamagitan ng pagpunta sa wp-admin/install.php
  9. Kung naka-install sa root directory ang WordPress, mangyaring puntahan ang http://IYONG_URL/wp-admin/install.php
  10. Kung naka-install ang WordPress bilang sub-directory, mangyaring puntahan ang http://IYONG_URL/FOLDER_NG_WORDPRESS/wp-admin/install.php

Ikaw na! Maari mo nang magamit ang WordPress sa Tagalog o Filipinong wika!.